Ilang lalawigan sa Luzon, makakaranas ng pag-ulan
Makakaranas ng pag-ulan ang ilang lalawigan sa Luzon.
Batay sa thunderstorm advisory ng PAGASA bandang 4:53 ng hapon, katamtaman hanggang mabigat na buhos ng ulan na may kasamang kidlat at malakas na hangin ang iiral sa Tarlac, Zambales at Pampanga.
Maaapektuhan din ng nasabing lagay ng panahon ang Carranglan sa Nueva Ecija.
Sinabi ng weather bureau na mararamdaman ang pag-ulan sa susunod na dalawang oras.
Dahil dito, babala ng PAGASA, mag-ingat sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa sa mga nabanggit na lugar.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.