Health workers na nagpositibo sa COVID-19 sa bansa, 1,886 na – DOH
Nadagdagan pa nang 27 ang bilang ng mga healthcare worker sa bansa na nagpositibo sa COVID-19.
Sa virtual presser, sinabi ni Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire na hanggang May 6, umabot na sa 1,886 ang medical workers na tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
Nitong mga nagdaang araw, paunti na aniya nang paunti ang naitatalang health workers na nagpopositibo sa COVID-19.
Sa nasabing bilang, 1,449 ang aktibong kaso ng sakit.
403 naman aniya sa health workers ang naka-recover.
Sinabi rin ni Vergeire na walang bagong napaulat na nasawing health worker bunsod ng nakakahawang sakit sa araw ng Miyerkules, May 6.
Dahil dito, nananatili sa 34 ang bilang ng pumanaw na medical worker dahil sa COVID-19 pandemic.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.