Base huling datos mula sa Marikina PIO facebook page, pumalo na sa 124 ang bilang ng mga nagpositibo sa virus.
Nadagdagan naman ng 1 ang bilang ng COVID-19 related deaths kaya’t umabot na sa 20 ang bilang ng nasawi.
Nasa 30 naman ang ang bilang ng nakapagrecover na.
Ang bilang naman ng probable ay 17 habang 11 naman ang suspected.
Ayon pa sa Marikina PIO, ang update ay validated at verified ng Department of Health-Regional Epidemiology Surveillance Unit (DOH-RESU) at City Health Office – City Epidemiology and Surveillance Unit (CHO-CESU) upang matiyak na wasto ang datos.
Samantala, binago ng lungsod ng Marikina ang kahulugan ng bawat isa sa bagong klasipikasyon ng COVID-19 patients na naaayon sa pamantayan ng DOH.
Narito ang mga bagong klasipikasyon ng COVID-19 patients:
SUSPECT
A. Kung ikaw ay mayroong influenza-like illness (lagnat na nasa 38C at ubo/pananakit ng lalamunan) at isa sa mga sumusunod:
– Naglakbay o nanirahan sa isang lugar na may ulat ng local transmission ng Covid-19 sa loob ng 14 na araw bago nagsimula ang mga sintomas
– Nagkaroon ng close contact sa isang CONFIRMED o PROBABLE case ng Covid-19 sa loob ng 14 na araw bago nagsimula ang mga sintomas
B. Kung ikaw ay may lagnat o ubo o hirap sa paghinga at isa sa mga sumusunod:
– Edad 60 taon at pataas
– Mayroong iba pang sakit
– Mayroong maselan na pagbubuntis
– Health worker
C. Kung ikaw ay nagkaroon ng biglaang karamdaman sa baga na may malubhang sintomas na hindi matukoy ang kadahilanan at kinakailangang maospital.
PROBABLE
Kung ikaw ay SUSPECT patient at hindi tiyak ang resulta ng testing at ginawa ang iyong test sa hindi opisyal na laboratory na gumagawa ng RT-PCR test
CONFIRMED
Kung ang iyong resulta sa RT-PCR Testing ay positibo sa Covid-19