Umakyat na sa 1,464 ang bilang ng nagpositibong kaso ng COVID-19 sa Quezon City.
Ito ay batay sa update ng Epidemiology and Disease Surveillance at Quezon City Health Development hanggang 11:00, Miyerkules ng gabi (May 6).
Sa nasabing bilang, 1,324 ang nakumpirmang kaso ng DOH na may kumpletong address.
Nasa 1,102 naman ang mga kaso na na-validate ng QCESU at district health offices.
Sa ngayon, 678 ang aktibong kaso ng COVID-19 pandemic sa lungsod.
292 ang naka-recover at 132 ang pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.