Mga empleyado ng ABS-CBN, papayagan pa ring makadaan ng checkpoints – PNP

Nilinaw ng Philippine National Police (PNP) na papayagan pa ring makadaan ng mga quarantine checkpoint ang mga empleyado ng ABS-CBN Network.

Ito ay kahit ipinag-utos ng National Telecommunications Commission (NTC) ang paghihinto ng operasyon ng TV network.

Sa abiso ng PNP Public Information Office, lahat ng ABS-CBN executives, reporters, technical staff at employees ay mananatiling kabilang sa Authorized Persons Outside Residence (APOR) alinsunod sa mga panuntunan ng Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID) sa gitna ng enhanced community quarantine.

“All ABS-CBN executives, reporters, technical staff and employees remain included among Authorized Persons Outside Residence (APOR) pursuant to IATF-MEID guidelines on Enhanced Community Quarantine and should be allowed to pass thru all Quarantine Control Points subject to routine presentation of valid ID,” pahayag ng PNP-PIO.

Read more...