outbrain

Multi-awarded na direktor na si Peque Gallaga pumanaw na

By Mary Rose Cabrales May 07, 2020 - 02:17 PM SHARE(S):

Pumanaw na sa edad na 76 ang multi-awarded Negrense filmmaker na si Peque Gallaga, umaga ng Huwebes (May 7).

Ang pagpanaw ng direktor ay kinumpirma ng kanyang kapatid na si Dr. Ricky Gallaga.

Sa Riverside Medical Center sa Bacolod City na-confine at nasawi ang magaling na filmmaker ngunit wala pang inilalabas na ulat kaugnay sa ikinamatay nito.

Si Gallaga ay umani ng mga parangal hindi lamang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa rin dahil sa kanyang mga pelikula.

Bukod sa pagiging magaling na director, isa rin siyang screenwriter, production designer, at aktor.

Naging kilala si Gallaga sa kanyang pelikulang “Ora, Plata, Mata,” “Scorpio Nights” at “Magic Temple.”

Dinala sa ospital kamakailan si Gallaga dahil sa komplikasyon kaugnay sa dati niyang health condition.

TAGS: Inquirer News, Peque Gallaga, Radyo Inquirer news, Inquirer News, Peque Gallaga, Radyo Inquirer news

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.