Dagdag na 50,000 testing kits ibibigay ni Jack Ma para sa PH – Sen. Manny Pacquiao

AP File Photo

Sinabi ni Senator Manny Pacquiao na magbibigay ng karagdagang 50,000 testing kits para sa Pilipinas si Chinese billionaire Jack Ma.

Ayon sa senador bukod kay Ma, nakikipag-usap din siya sa iba pa niyang kaibigan at marami na ang nagpahayag ng interes na magbigay din ng mga donasyon.

Ang donasyon ay idadaan sa Manny Pacquiao Foundation.

Wala pang petsa kung kailan ang dating sa bansa ng mga testing kits mula kay Ma.

Una nang nagbigay sa Pilipinas si Ma ng 57,000 testing kits na nagkakahalaga ng P400 milyon at ibinigay sa DOH.

Bukod pa dito ang donasyon niyang kalahating milyon masks.

Read more...