Higit 1M manggagawa nakinabang sa DOLE aid programs

By Jan Escosio May 07, 2020 - 12:45 PM

File Photo

Inanunsyo ng Department of Labor and Employment (DOLE) na nakapagbigay na sila ng cash assistance sa higit isang milyong manggagawa, ang mga nasa formal and informal sectors, kasama na ang overseas Filipino workers (OFWs).

Sa ulat ng kagawaran kay Pangulong Duterte 1,059,387 manggagawa ang nakinabang sa P4.44 billion sa kanilang regular budget at sa hiwalay nilang P1.05 billion emergency fund.

Tinapos na ng DOLE ang kanilang COVID-19 Adjustment Measures Program (CAMP)gayundin ang Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers, Barangay Ko Bahay Ko (TUPAD #BKBK) program.

Ang dalawang programa ay bahagi ng pagtugon ng gobyerno para maibsan ang epekto ng COVID-19 crisis sa mga low income workers.

Sa ngayon patuloy ang pagpapatupad sa OFWs sa ilalim ng AKAP program at 74 porsiyento na ng targeted OFW-beneficiaries ang naging kuwalipikado para mabigyan ng one-time P10,000 o $200 cash assistance.

Nakalista na sa programa ang 103,467 OFWs na nawalan ng trabaho dahil sa krisis.

Napaglaanan ng P1.5 bilyon ang programa para sa 150,000 displaced OFWs.

TAGS: CAMP, COVID-19, DOLE cash aid, Health, Higit 1M manggagawa, OFWs, TUPAD #BKBK, CAMP, COVID-19, DOLE cash aid, Health, Higit 1M manggagawa, OFWs, TUPAD #BKBK

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.