Bumuo na ang Philippine National Police (Pogo) ng special teams na tututok sa operasyon ng Philippine offshore gaming operatos o Pogos na lalabag sa umiiral na enhanced community quarantine dahil sa COVID-19.
Ayon kay Interior Secretary Eduardo Año, may itinakdang guidelines ang Bureau of Internal Revenue (BIR) at Department of Finance (DOF) para mag-comply ang Pogos.
Kapag hindi aniya sumunod ang Pogos, hindi hahayaan ng pamahalaan na makapag-operate ang mga ito.
Ipa-podlock aniya ng mga pulis ang mga Pogo na hindi susunod sa quarantine rules.
Una nang pinayagan ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) na magkaroon ng partial operations ang Pogos bastat siguraduhin lamang na nakasuot ng face mask, masuri ang body temperature, nasusunod ang social distancing at proper santination sa mga establisyemento.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.