House Committee on Legislative Franchises hinimok na agarang magconvene para talakayin ang prangkisa ng ABS-CBN


Iginiit ni Baguio City Rep. Mark Go na urgent matter ang ginawang pagpapasara ng National Telecommunications Commission (NTC) sa ABS-CBN.

Kaya naman hinimok nito ang House committee on Legislative Franchises na agad magconvene para talakayin ang usapin sa prangkisa ng broadcast network.

Sabi ni Go, may-akda ng HB 6138 para sa franchise renewal ng ABS-CBN, kailangang malinawan kung bakit naglabas ng cease and desist order ang NTC sa kabila ng pagtiyak nito sa Kamara na bibigyan ng provisional authority ang giant network.

Binigyang diin ng kongresista na hindi napapanahon ang pagpapatigil sa operasyon ng ABS-CBN na isa sa pinagkukunan ng mahahalagang impormasyon ng publiko sa panahon ng kalamidad gaya ngayong nasa gitna ang bansa ng Covid-19 pandemic.

Dagdag pa nito, sa harap ng laganap na misinformation sa social media at sa internet, malaking tulong sa gobyerno ang hanay ng traditional media na naghahatid ng makatotohanan at responsableng pamamahayag.

 

Read more...