4 detenido ng MPD positibo sa COVID-19

By Jan Escosio May 07, 2020 - 09:30 AM

Dinala na sa isang quarantine facility sa Tondo, Maynila ang apat na detenido ng MPD-Sta. Ana Police Station matapos madiskubre na sila ay positibo sa COVID-19.

Nabatid na ang mga nag-positibo ay may mga edad 26, 43, 37 at 19, na nahaharap sa iba’t ibang kaso.

Kabilang sila sa sumailalim sa rapid testing noong Abril 27 at lumabas na walo ang nag-positibo.

Nang sumunod na dalawang araw muli silang sumailalim sa testing kabilang na ang dalawang jail officers.

At noong Mayo 3 ay lumabas na ang apat ay positibo sa nakakamatay na sakit at agad silang inilipat sa Delpan Sports Complex para obserbahan ng Manila City Health Office.

Bagamat negatibo ang kanilang naging resulta, ang apat pang detenido ay inihiwalay na sa iba pang nakakululong sa nabanggit na istasyon ng pulisya.

TAGS: 4 na detinido, Delpan Sports Complex, Manila City Health Office, Maynila, quarantine facility sa Tondo, 4 na detinido, Delpan Sports Complex, Manila City Health Office, Maynila, quarantine facility sa Tondo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.