Payo sa mga kababaihan ng DOH, Iwasan muna ang mag-buntis
Pinayuhan ng Department of Health o DOH ang mga kababaihan na i-delay muna ang kanilang pagbubuntis, sa gitna ng pagkalat ng Zika virus sa bahagi ng Latin America.
Ayon kay Health Secretary Janet Garin, mas makabubuti kung sa 2017 na lamang magpa-planong magka-anak ang mga mag-asawa upang maiwasan ang Zika virus na nakaka-apekto sa sanggol.
Ang Zika virus, na mula sa kagat ng lamok, ay nagdudulot ng birth defects katulad ng maliit ng ulo ng sanggol na maaring may epekto sa development ng bata.
Sa kasalukuyan, aabot na sa tatlumpung bansa ang tinamaan ng Zika virus, na may kaugnayan na rin sa Guillain-Barre syndrome.
Ang mga sintomas ng Zika ay pamamantal, mataas na lagnat , conjunctivitis at paghina ng muscle.
Kaugnay nito, pinayuhan ni Garin ang publiko na iwasan munang bumisita sa mga bansa may Zika cases.
Tiniyak naman ni Garin na patuloy ang pag-aaral ng DOH sa Zika virus at kung anu-ano ang posibleng paraan upang maharang ang pagpasok nito sa Pilipinas.
Sa katunayan aniya ay sinimulan na ng DOH ang training sa ilang mga ospital kung paano ma-detect ang Zika cases, gamit ang mga bagong testing kits.
Kabilang na sa mga pagamutan ay ang Research Institute for Tropical Medicine (RITM), Baguio General Hospital, Mindanao Medical Center, Vicente Sotto Hospital, San Lazaro Hospital at Lung Center of the Philippines.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.