WATCH: Total lockdown, ipatutupad sa isang barangay sa Mandaluyong City

By Erwin Aguilon May 07, 2020 - 01:00 AM

Isasailalim sa total lockdown ang Barangay Addition Hills sa Mandaluyong City simula May 7 hanggang May 13.

Ilang residente sa nasabing barangay ang sinamantala ang ilang oras bago ang implementasyon ng lockdown para mamili ng mga pangunahing pangangailangan.

Samantala, sinabi ng Mandaluyong City government, magsasagawa ng rapid test sa 3,000 piling residente sa nasabing barangay sa kasagsagan ng lockdown.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.