Good job!
Ito ang sinabi ni DILG Secretary Eduardo M. Año sa 828 na LGUs nakapamahagi na ng SAP cash subsidy na nakaabot sa deadline at bago pa ang itinakdang petsa.
“Good job sa ating mga LGUs na naipamahagi na sa mga mahihirap na pamilya ang SAP cash subsidy. Pinapatunayan lamang nito ang inyong pagmamalasakit sa inyong mga constituents,” pahayag ni Año.
Narito ang mga na nakapamahagi na ng cash aid:
Cordillera Administrative Region (CAR) – 56
Ilocos Region – 38
Cagayan Valley – 31
CALABARZON – 63
MIMAROPA – 62
Bicol region – 70
Western Visayas – 114
Central Visayas – 52
Eastern Visayas – 95
Zamboanga Peninsula – 71
Northern Mindanao – 17
Davao region – 26
SOCCSKSARGEN – 32
Caraga – 65
Payo ni Año sa mga hindi pa nakakapamahagi ng cash aid ay kailangan nilang magdouble time para magamit ng mga mahihirap na apektado ng coronavirus disease o COVID-19 ang ayuda ng gobeyerno dahil sa bawat oras na naaantala ang pagbibigay ng ayuda ay dagdag ito sa oras ng paghihirap na nararanasan ng mga mamamayang nagdudusa.
“One moment of delay or inaction means additional hours of suffering of poor families in your localities. Let us not keep them waiting and let us show them that the government truly cares for them,” he said.
Hinikayat naman ni Año ang mga SAP beneficiaries na gamitin sa tama at wasto ang ayudang natanggap.
“Nawa’y gamitin ninyo ng tama at wasto para sa mga pangangailangan ninyo kagaya ng bigas, ulam at iba pa. Hindi po yung para sa luho at hindi puwede sa pangsugal at pambili ng alak,” ayon kay Año.
Hamon naman ni Año sa mga nakapamahagi na ng cash aid ay mag-liquidate kaagad para maa-account ang bawat sentimo ng pera mula sa mga nagbabayad ng buwis at agad na ipasa sa DSWD.
“Ang next challenge sa inyo ay makapag-liquidate kaagad and account for our each centavo of this taxpayer’s money to the DSWD,” he said.
Unang itinakda ang deadline sa pamamahagi ng ayuda noong ika-30 ng Abril ngunit pinalawig ito hanggang May 4 para sa ilang lugar at lalawigan at hanggang May 7 naman sa Metro Manila at mag lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu at Davao City kung saan mataas ang populasyon.