MIAA naghahanda na sa para sa “new normal”
Inihahanda na ng Manila International Airport Authority (MIAA) ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) para sa tinatawag na “new normal” para sa mga pasahero at airport staff.
Ayon sa MIAA, nagsimula na silang maglagay ng mga acrylic barriers sa mga check-in counters sa NAIA terminal 1 para maiwasan ang pagkalat ng coronavirus disease o COVID-19.
Ayon pa kay GM Ed Moreal, bumili na rin sila ng 2,675 na kahon ng surgical face masks at nakikipag-ugnayan na rin sila sa Bureau of Quarantine para malaman ang nararapat na Personal protective equipment o PPE para sa proteksyon ng kanilang mga empleyado.
Naglabas din ang MIAA ng mga patakaran sa paliparan para maiwasan ang pagkalat ng virus kapag inalis na ang travel restrictions at bumalik na sa normal na operasyon ang NAIA.
Narito ang mga sumusunod na pamantayan sa paliparan:
1. Pagsusuot ng face mask sa pagpasok sa pasilidad ng paliparan.
2.Lahat ng papasok sa paliparan ay sasailalim sa mandatory body temperature check.
3.Mahigpit na pagpapatupad ng social distancing sa paliparan lalo na sa pagpila at ipapatupad din ang one seat apart policy.
4. Gagamit ang paliparan ng walk through x-ray machines, portable scanners, handheld metal detectors at iba pang gamit na katulad ng mga nabanggit para sa no contact checking para sa security procedures.
5.Ang mga pasaherong may valid travel documents at confirmed bookings ang papapasukin sa paliparan.
6. Palagiang paglilinis o disinfection ng mga pasilidad sa NAIA lalo na ang mga ginagamit sa flight operations at mga CR.
7. Mananatili ang mga foot baths sa entry at exit points ng mga pasahero at airport personnel kabilang ang boarding bridges o katulad na lugar para sa pagbaba at pagsakay ng mga pasahero sa eroplano.
8. Maglalagay din ng safety precaution posters, health guidelines at alert bulletins sa paliparan.
9. Lahat ng mga pasaherong paalis at padating ay oobligahin na mag-fill-out electronically ng Health Declaration Form at Passenger Locator Forms para sa mas mabilis na contact tracing.
Ang nasabing mga pamantayan ay nakabase sa inilabas na guidelines ng Department of Transportation (DOTr) para sa lahat ng international at domestic airports sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.