Ilang bayan sa Laguna tapos ng magbigay ng SAP cash subsidy

By Mary Rose Cabrales May 06, 2020 - 11:15 PM

Natapos na ang pagbibigay ng ayuda sa ilang bayan sa lalawigan ng Laguna.

Ayon sa huling datos ng DILG 4-A, Miyerkules (May 6), 15 bayan na ang natapos sa pamamahagi ng social amelioration program (SAP) cash subsidy sa mga beneficiaries nito bago ang itinakdang deadline.

Narito ang listahan ng mga bayan:
Alaminos
Cavinti
Famy
Kalayaan
Liliw
Lumban
Mabitac
Magdalena
Nagcarlan
Paete
Pakil
Rizal
Santa Cruz
Santa Maria
Siniloan

Unang itinakda ng DSWD ang deadline sa pamamahagi ng ayuda noong ika-30 ng Abril ngunit pinalawig ito hanggang ika-4 ng Mayo para sa ilang lugar at lalawigan at hanggang sa ika-7 ng Mayo naman sa Metro Manila at mag lalawigan ng Cavite, Rizal, Laguna, Bulacan, Cebu at Davao City kung saan mataas ang populasyon.

TAGS: COVID-19, dswd, government cash aid, laguna, SAP cash subsidy, COVID-19, dswd, government cash aid, laguna, SAP cash subsidy

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.