COVID-19 cases sa Navotas City, nadagdagan ng anim

Nasa anim pang residente sa Navotas City ang nagpositibo sa COVID-19.

Ayon sa Navotas City government, naitala ang tatlong kaso sa Barangay NBBN habang tig-iisa naman sa NBBS Kanluran, NBBS Proper at San Roque.

Dahil dito, batay sa update ng hanggang 3:00, Miyerkules ng hapon (May 6), 54 na ang confirmed COVID-19 patients sa lungsod.

Sa nasabing bilang, 21 ang naka-confine sa mga pagamutan o kaya ay nakasailalim sa home quarantine.

Mayroon ding napaulat na isang gumaling sa Barangay San Jose dahilan para umakyat sa 16 ang naka-recover sa Navotas City.

17 pasyente naman sa lungsod ng pumanaw bunsod pa rin ng nakakahawang sakit.

Read more...