Validity ng driver’s licence na mapapaso sa kasagsagan ng ECQ, pinalawig ng LTO

By Angellic Jordan May 06, 2020 - 11:45 PM

Pinalawig ng Land Transportation Office (LTO) ang validity ng mga driver’s license sa kasagsagan ng enhanced community quarantine (ECQ).

Ayon sa Department of Transportation, pinalawig ng LTO ang validity ng driver’s license nang dalawang buwan.

Maliban dito, walang ring penalty na kokolektahin para sa late registration ng motor vehicles at renewal ng driver’s licenses na mapapaso sa gitna ng ECQ.

Lilimitahan din ng LTO ang mga transaksyon oras na maalis ang ECQ para masunod ang health protocols tulad ng physical distancing kasunod ng COVID-19 pandemic.

Babawasan din ng ahensya ang itatalagang tauhan sa mga counters.

Para ma-accommodate ang mas maraming aplikante, ikokonsidera ng LTO ang operasyon tuwing Sabado.

Gagawing prayoridad naman ang mga frontliner sa pagbubukas ng tanggapan ng LTO.

Dagdag pa nito, dapat iproseso ng mga aplikante ang registration bago matapos ang grace period para maiwasan ang overcrowding sa mga opisina ng ahensya.

TAGS: dotr, Inquirer News, lto, Radyo Inquirer news, validity of driver's license during ECQ, dotr, Inquirer News, lto, Radyo Inquirer news, validity of driver's license during ECQ

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.