PNP, pangungunahan ang operasyon sa ikalawang quarantine facility sa Metro Manila
Nakatakdang pangasiwaan ng Philippine National Police (PNP) Philsports Arena sa Pasig City.
Ang PNP Health Service ang mag-ooperate sa ikalawang quarantine facility sa Metro Manila sa ilalim ng pamumuno ng Department of Health (DOH) at Inter-Agency Task Force for the Management of Emerging Infectious Diseases (IATF-MEID).
Ayon kay Police Brig. Gen. Herminio Tadeo Jr., Director ng PNP Health Service, anim na doktor, siyam na nurse at 21 Medical Reserve Force (MRF) ang mangunguna sa operasyon ng quarantine facility na may 132 bed capacity.
Hahatiin aniya ang 36 personnel sa tatlong grupo.
Sa turnover ceremony, nagpasalamat si PNP Chief General Archie Gamboa sa mabilis na pagsasaayos ng Department of Public Works and Highways (DPWH) sa Philsports Arena para magsilbing quarantine facility.
“The Philippine National Police is grateful to DPWH for the prompt conversion of the Philsports Arena into another quarantine center, with the full support of the national leadership, we are confident we shall be able to accomplish this crucial mission”, ani Gamboa.
Kayang ma-accommodate ng pasilidad ang mga mild hanggang moderate cases ng COVID-19.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.