LOOK: Pitong lugar na nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon, May 6

Matinding init at alinsangang panahon ang naramdaman sa malaking bahagi ng bansa.

Ayon sa PAGASA, pitong synoptic stations nila ang nakapagtala ng pinakamaalinsangang panahon sa araw ng Miyerkules (May 6).

Pumalo sa 53 degrees Celsius ang heat index sa Butuan City bandang 2:00 ng hapon.

51 degrees Celsius naman ang naitalang heat index sa Ambulong, Tanauan City at Sangley Point sa Cavite City dakong 2:00 ng hapon.

Narito naman ang heat index sa iba pang lugar:
– Clark, Pampanga – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– Maasin City – 46 degrees Celsius bandang 11:00 ng umaga
– Science of Muñoz – 46 degrees Celsius bandang 2:00 ng hapon
– NAIA, Pasay City – 46 degrees Celsius bandang 12:00 ng tanghali

Ayon sa PAGASA, mapanganib ang posibleng idulot kapag umabot sa 41 hanggang 54 degrees ang heat index sa isang lugar.

Maaari anilang maging sanhi ito ng heat cramps at heat exhaustion na posibleng mauwi sa heat stroke.

Dahil dito, payo ng PAGASA, dalasan ang pag-inom ng tubig at iwasan ang physical activity tuwing tanghali at hapon.

Read more...