Medical records, hindi requirement para sa mga kandidato

By Isa Avendaño-Umali February 14, 2016 - 12:17 PM

Duterte Nograles
Photo grab mula sa FB account ni Rep. Nograles

Nais lamang bigyan ng bahid ng duda ng mga politiko at kritiko ang hamon kay presidential aspirant at Davao City Mayor Rodrigo Duterte na ilabas ang medical records nito, ayon sa isang kongresista.

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, malinaw na binibigyan lamang ng ilang politiko ng ‘doubt’ ang mga botante sa medical condition ni Duterte.

Paliwanag ni Nograles, ito’y para isipin ng voting public na talagang may sakit si Duterte at masasayang lamang ang boto dahil hindi naman siya magtatagal sa Malakanyang sakaling mahalal.

Inihalimbawa ng kongresista ang sitwasyon noon ni Senadora Miriam Defensor Santiago na nag-anunsyo ng kanyang presidential bid.

Hinamon din si Santiago na isapubliko nito ang kanyang medical records, upang matiyak na wala na talaga siyang cancer.

Pero giit ni Nograles, hindi requirement para sa mga kandidato na medical records.

Aniya, si Duterte bilang isang abogado rin ay batid ang right to privacy pagdating sa usapin ng kalusugan.

Pagtitiyak ni Nograles, bagaman nakararanas ng migraine si Duterte na una na rin umamin na may ilang health issues, may lasting powers pa rin aniya ang alkalde para makapangampanya.

 

TAGS: #VotePH2016, Davao City Rep. Karlo Nograles, Rodrigo Duterte, #VotePH2016, Davao City Rep. Karlo Nograles, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.