outbrain

Tom Cruise gagawa ng pelikula sa outer space

By Chona Yu May 06, 2020 - 02:29 PM SHARE(S):

Sa kauna-unahang pagkakataon, gagawa ng pelikula ang Hollywood star na si Tom Cruise sa outer space.

Ayon sa ulat ng Deadline noong May 4, posibleng gawin ang pelikula sa International Space Station.

Proyekto ito ng National Aeronautics and Space Administration (NASA) at ng aktor.

“NASA is excited to work with @TomCruise on a film aboard the @Space_Station!” pahayag ni NASA administrator Jim Bridenstine sa kanyang Twitter account.

Ayon pa sa pahayag ni Bridenstine, kailangan nila ang media para makahikayat ng bagong henerasyon ng engineers at scientists para sa hinaharap nilang malalaking proyekto para sa ahensya.

“We need popular media to inspire a new generation of engineers and scientists to make @NASA’s ambitious plans a reality,” dagdag ni Bridenstine.

Nabatid na hindi bahagi ang bagong pelikula sa “Mission: Impossible” franchise.

TAGS: Inquirer News, NASA, NASA administrator Jim Bridenstine, Radyo Inquirer news, Tom Cruise, Inquirer News, NASA, NASA administrator Jim Bridenstine, Radyo Inquirer news, Tom Cruise

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.