46 barangay officials pinadalhan ng show cause order ng Manila City Gov’t dahil sa iregularidad sa relief operations

By Chona Yu May 06, 2020 - 01:05 PM

Pinadalhan na ng show cause order ng Manila City government ang 46 na barangay officials dahil sa iregularidad pamamahagi sa reieg assistance at allowance na ipinamimigay ng pamahalaan sa mga apektado ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay Acting Manila City Administrator Atty. Marlon Lacson, pinagpapaliwanag ang mga barangay officials sa loob ng 72 na oras dahil sa paglabag sa Bayanihan: We Heal As One Act, Anti-Graft and Corrupt Practices Act at City ordinances.

Inirereklamo ang mga barangay officials dahil P500 lamang ang ibinigay na ayuda sa halip na P1,000 na financial aid mula sa city government.

Inirereklamo din ang mga barangay officials ng mga senior citizen dahil sa hindi pagbibigay ng milk food supplement assistance, mga binawang relief goods at iba pa.

Kapag nabigo ang mga barangay officials na makapagbigay ng paliwanag, ikukunsudira ito ng Manila city government na waiver at tutuloy na sa preliminary investigation.

TAGS: Acting Manila City Administrator Atty. Marlon Lacson, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Bayanihan: We Heal As One Act, City ordinances, Manila City Gov't, Relief operations', show cause order, Acting Manila City Administrator Atty. Marlon Lacson, Anti Graft and Corrupt Practices Act, Bayanihan: We Heal As One Act, City ordinances, Manila City Gov't, Relief operations', show cause order

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.