Pinangungunahan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang Kongreso sa kanilang trabaho matapos maglabas ng cease and desist order laban sa broadcast giant na ABS-CBN.
Ayon kay House Ways and Means Committee chairman Joey Sarte Salceda, ginambala ng NTC ang ginagawang trabaho ng Kamara.
Abala pa aniya sa ngayon ang Kongreso sa pagtalakay ng iba pang mahahalagang usapin tulad na ng pagbuo ng economic recovery plan sa COVID-19 crisis kaya nabago ang kanilang prayoridad.
Subalit hindi naman aniya nangangahulugan na inaabandona na rin nila ang diskusyon sa prangkisa ng ABS-CBN.
Magsisibling babala anya sa Kongreso ang naging hakbang ng NTC na kapag hindi kikilos ang mga mambabatas nariyan ang ehekutibo para gawin ang trabaho nito para punuan ang aniya’y “power gap.”
Sinabi ng kongresista na ang dapat na ginawa ng NTC ay pinanindigan ang commitment sa Kongreso na papayagan ang ABS-CBN na makapag-operate habang pending pa ang franchise renewal application.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.