Makikipag-ugnayan ang Palasyo ng Malakanyang sa Department of Labor and Employment (DOLE) para maisaayos kung maisasama sa pinansyal na ayuda ng pamahalaan ang 11,000 mangggawa ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa pagsasara ng istasyon.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maari kasing maisama ang mga manggawa sa small and medium enterprise program ng DOLE at makakuha ng dalawang buwang financial assistance.
“Tatawagan po natin mamaya ang kalihim ng DOLE. Ang alam po kasi yung programa for SME dapat continuous ang employment. Pero itong pangyayari naman po na nawalan sila ng trabaho na hindi naman nila ninais, hindi naman sila nag-resign, at hindi naman po nag-voluntarily shut down and ABS-CBN, baka maipasok po natin sila doon sa programa ng SMEs para makakuha po sila ng panandaliang dalawang buwang ayuda,” pahayag ni Roque.
Una rito, naglaan si Pangulong Rodrigo Duterte ng P50 bilyong pondo para sa 3.4 milyong SME workers na naapektuhan ng COVID-19.
Lima hanggang walong libong pisong ayuda ayuda ang makukuha ng mga middle imcome workers na naapektuhan ng COVID-19.
Dalawang buwan na ibibigay ng pamahalaan ang naturang cash subsidy program.