Relationship over na nga ba sa pagitan nina Luis Manzano at Angel Locsin?
Wala man kumpirmasyon, may signs naman na nag-break na ang dalawa dahil sa kanilang mga post sa social media.
Sa kanyang Twitter account, pinost ni Manzano ang ‘Single*’ na agad na umani ng retweets at reply mula sa kanyang followers.
Sa Instagram account, pinost ni Locsin ang isang picture ni Manzano at may caption, “On the eve of my neck procedure, I saw my singing ex singing “love yourself” sa IG. Kung nagmahal na kayo ng taong paulit-ulit kang sinaktan. Pls like this. #mabuhayangtangasapagibig.”
Sa kasalukuyan, nasa Singapore si Locsin at sumailalim sa neck procedure.
Agad namang nawala ang naturang Instagram post.
Sina Manzano at Locsin ay nauna nang nag-break ilang taon na ang nakalilipas, pero muling nagkabalikan noong 2014.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.