Hinihimok ng Palasyo ng Malakanyang ang mga mambabatas na bomoto base sa konsensya kaugnay sa usapin ng prangkisa ng ABS-CBN.
Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, neutral si Pangulong Rodrigo Duterte sa naturang usapin.
Hindi aniya magagalit o matutuwa si Pangulong Duterte ano man ang maging kahihinatnan ng ABS-CBN.
“Ang paninindigan ng Presidente, neutral po siya diyan. Huwag po kayong mag-alala mga Congressmen, hindi po magagalit, hindi matutuwa ang Presidente kung kayo po ay ipasa ang ABS-CBN. Completely neutral po ang Presidente diyan. Vote as your conscience dictates. Hinding-hindi po manghihimasok ang Presidente sa inyong desisyon. Pero dahil bukas na po ang Kongreso, Kongreso ang dapat magbigay ng prangkisa sa ABS-CBN,” pahayag ni Roque.
Wala rin aniyang balak ang Pangulo na pakialaman ang trabaho ng National Telecommunications Commission (NTC) na una nang nag issue ng cease and desist order laban sa ABS-CBN.
Ayon kay Roque, isang krimen ang pakialaman ng Pangulo ang trabaho ng NTC at paglabag sa code of conduct for local officials at anti-graft.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.