ABS-CBN maaring humirit ng TRO sa CA at SC

Grab: PTV Live

Sa korte o Kongreso at hindi si Pangulong Rodrigo Duterte ang dapat na kalampagin ng ABS-CBN kung nais nitong marenew ang kanilang prangkisa.

Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, maari namang humirit ang ABS-CBN ng temporary restraining order sa Court of Appeals (CA) o hindi kaya sa Supreme Court (SC).

Sinabi pa ni Roque na maari ring kalampagin ng ABS-CBN ang Kongreso para maipasa ang kanilang prangkisa.

Aminado si Roque na hindi prudent ang pagpapasara sa ABS-CBN lalot may kinakaharap na krisis ngayon ang bansa sa COVID-19.

Read more...