Isang low pressure area (LPA) na posibleng maging tropical depression ang binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration o PAGASA.
Ayon sa weather bureau, nasa labas pa naman ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang LPA.
Nasa 1,640 kilometers east-southeast ng General Santos City ang LPA.
Ayon kay PAGASA weather specialist Ariel Rojas, maaring pumasok sa PAR ang LPA sa Biyernes at tatama sa Caraga.
Samantala, patuloy namang magdudulot ng mainit na panahon ang ridge o extension ng High Pressure Area sa Northern at Central Luzon.
Nakakadagdag din aniya sa mainit na panahon ang easterlies na nagmumula sa Pacific Ocean.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.