Bilang ng COVID-19 confirmed cases sa Maynila pumalo na sa 782

By Mary Rose Cabrales May 06, 2020 - 06:49 AM

Tumaas pa ang bilang ng positibong kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa lungsod ng Maynila.

Ayon sa huling datos ng Manila PIO, pumalo na sa 782 ang bilang ng mga positibong kaso sa lungsod.

Sa nasabing bilang 577 ang active cases, 12 ang naitalang bagong kaso na tinamaan ng virus.

Umabot naman sa 132 ang bilang ng mga naka-recover na sa sakit.

Mayroon namang 1048 na suspected cases habang 32 naman ang bilang ng mga probable.

Samantala, nanatili naman sa 73 ang bilang ng mga nasawi dahil sa virus.

TAGS: coronavirus, COVID, COVID-19, Health, Maynila, coronavirus, COVID, COVID-19, Health, Maynila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.