Sa Facebook account, sinabi ni Marcos na ito ay batay sa dalawang huling resulta ng isinagawang Real-time Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test ng Research Institute for Tropical Medicine (RITM).
Nagparating ng pasasalamat ang dating senador sa mga doktor, nurse, med tech at iba pang healthcare worker na tumulong para mapabuti ang kaniyang kalusugan at ng iba pang apektado ng nakakahawang sakit.
Nagpasalamat din si Marcos sa kaniyang pamilya, mga kaibigan at tagasuporta sa pagdadarasal para sa kaniyang paggaling sa sakit.
“Pinapanalangin ko na mas marami pa ang mabasbasan ng Maykapal ng biyaya ng kalusugan,” dagdag pa ng dating senador.
MOST READ
LATEST STORIES