Senatorial slate nina Miriam at Bongbong, ipapakilala na

Santiago-MarcosNakatakdang ilunsad ngayong Valentine’s Day ang senatorial slate ng tambalang Senadora Miriam Defensor Santiago at Senador Bongbong Marcos.

Gaganapin ang launching sa Youth for Miriam event sa Ynares Sports Arena, sa Pasig City.

Kabilang sa senatorial slate nina Santiago at Marcos ay sina: dating Energy Secretary Jericho Petilla; Overseas Filipino Worker (OFW) advocate Susan Ople; dating Metro Manila Development Authority o MMDA Chairman Francis Tolentino; dating Technical Education and Skills Development Authority o TESDA Director General Joel Villanueva; dating Armed Forces Chief of Staff at Director General of the Philippine Drug Enforcement Agency o PDEA Dionisio Santiago; at ang actor-television host na si Edu Manzano.

Kukumpleto sa listahan sina: Senador Ralph Recto; Leyte Rep. Martin Romualdez; Sarangani Rep. Manny Pacquiao; at Manila Vice Mayor “Isko” Moreno.

Kapansin-pansin na ang mga senatorial candidates nina Santiago at Marcos ay mula sa iba’t ibang partido gaya ng Liberal Party, Partidong Galing at Puso, United Nationalist Alliance, habang ang iba ay tumatakbong independent.

 

 

Read more...