Mga opisyal ng NTC pagpapaliwanagin ng Kamara ukol sa ipinalabas na cease ang desist order vs ABS-CBN
Ipapatawag ng House Committee on Legislative Franchises ang National Telecommunication Commission (NTC) kasunod ng pagpapalabas ng cease and desist order sa operasyon ng ABS-CBN.
Ayon kay Palawan Rep. Franz Alvarez, chairman ng komite, iimbitahan nila sa pagdinig na ipatatawag sa lalong madaling panahon ang mga opisyal ng NTC upang pagpaliwanagin.
Maglalabas din aniya sila ng show cause order laban sa NTC kung bakit hindi kailangan i-cite for contempt dahil sa kanilang aksyon.
Maari aniya silang magsagawa ng hearing sa pamamagitan ng video conference pero ang magiging problema ay ang mahinang signal ng internet.
Masama aniya ang timing ng kautusan ng NTC at nagdagdag pa ito ng problema ngayon.
Sabi ni Alvarez, nagulat sila sa komite dahil sa hakbang ng regulatory body dahil nauna na itong nangako na maglalabas ng provisional authority base sa naging pasya ng Supreme Court.
Tinawag din nito na panghihimasok sa trabaho ng Kongreso ang ginawa ng NTC.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.