P18-B lugi ng bansa kada araw dahil sa lockdown

By Erwin Aguilon May 05, 2020 - 05:47 PM

Congress photo

Iginiit ni House Defeat COVID-19 Co-chair at Marikina Rep. Stella Quimbo na kailangan nang maipasa ang economic stimulus plan para makabawi ang ekonomiya ng bansa.

Ayon kay Quimbo, aabot ng hanggang P18 bilyon ang lugi ng bansa sa kada araw ng lockdown bunsod ng COVID-19 pandemic.

Sa P18 bilyong lugi, P12.5 bilyon dito ay unearned wages at pasahod ng mga non-essential business sa kasagsagan ng lockdown at karagdagang P5.5 bilyon pa sa unearned corporate income.

Base aniya sa survey na isinagawa kamakailan ng National Economic and Development Authority (NEDA) sa nasa 40,000 respondents, 48.3 percent ang nawalan ng trabaho, o walang sinasahod sa kasagsagan ng implementasyon ng enhanced community quarantine.

Bukod dito, sinabi rin sa survey na isinagawa ng Gallup International na 34 percent ang nawalan ng kanilang trabaho.

Dahil dito, mahalaga aniyang maipasa ang isinusulong nilang economic stimulus package at nananawagan din siyang magkaroon ng plano sa structural reforms na isasagwa para mapalakas pa lalo ang ekonomiya ng bansa.

TAGS: COVID-19 crisis, economic stimulus plan, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Stella Quimbo, COVID-19 crisis, economic stimulus plan, Inquirer News, Radyo Inquirer news, Rep. Stella Quimbo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.