Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 5, nasa 1,867 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,140 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 513 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa 214 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 580 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 488 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 375 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 424 sa Middle East/Africa.