Bilang ng Filipino sa abroad na tinamaan ng COVID-19, nadagdagan ng 48
Nadagdagan nang 48 ang bilang ng mga Filipino na apektado ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa ibang bansa.
Sa datos ng Department of Foreign Affairs (DFA) hanggang May 5, nasa 1,867 na overseas Filipinos (OFs) ang kumpirmadong positibo sa COVID-19 sa 46 na bansa at rehiyon.
Sa nasabing bilang, 1,140 ang patuloy na nagpapagamot sa iba’t ibang ospital.
Ayon sa DFA, 513 naman ang naka-recover sa nakakahawang sakit o na-discharge na sa ospital.
Nasa 214 naman ang bilang ng Pinoy abroad na pumanaw dahil sa COVID-19.
Pinakamarami pa ring naitalang confirmed COVID-19 positive na OF sa bahagi ng Europa na may 580 na kaso.
Sumunod dito ang Americas na may 488 confirmed COVID-19 positive cases na OF.
Nasa 375 naman ang kaso sa Asia Pacific Region at 424 sa Middle East/Africa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.