Pink jeepneys, pumasada na ngayong Valentine’s Day
Umpisa ngayong Araw ng mga Puso, Pebrero katorse, ay aarangkada na ang mga pink jeepneys.
Sisimulan itong ipakilala at ibiyahe sa Novaliches, Quezon City ngayong Valentine’s Day na ang layunin ay paigtingin ang kampanya para bigyang prayuridad ang mga babaeng pasahero, senior citizens mga minor at may kapansanan o PWD’s sa rush hour.
Matatandaan na noong nakaraang taon, sa pamamagitan ng pagsuporta ng Land Transportation and Regulatory Board o LTFRB ay naumpisahan ang P.I.N.K. campaign o ang programa “para sa interes ng kababaihan, katandaan, kabataan at may kapansanan.
Mga taxi ang unang kasama sa programang ito kung saan may mga taxi units na pininturahan ng kulay pink para patunay na sila ay nagbibigay prayoridad sa mga pasahero na women and children, senior citizens, at mga persons with disabilities.
Ayon kay LTFRB Board Member, Atty. Ariel Inton, ito ay bilang pagsuporta sa mga matatanda tulad ni Lola Rosa na kamakailan lang ay dumulog sa ltfrb dahil sa reklamo na siya ay nilapastangan ng jeepney driver na kanyang sinakyan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.