BREAKING: Bilang ng tinamaan ng COVID-19 sa Pilipinas, 9,684 na
Lumobo pa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
Sa huling datos ng Department of Health (DOH) hanggang 4:00, Martes ng hapon (May 5), 9,684 na ang tinamaan ng nakakahawang sakit sa bansa.
199 ang bagong napaulat na kaso sa bansa sa nakalipas na 24 oras.
Sa nasabing bilang, 173 o 87 porsyento ay mula sa National Capital Region, isa o 0.5 porsyento sa Region 7 habang 25 o 12.5 porsyento naman ay galing sa iba pang lugar.
Samantala, sinabi pa ng DOH na 14 ang karagdagang nasawi dahilan kaya umabot na sa 637 ang COVID-19 related deaths sa bansa.
93 namang pasyente ang gumaling sa COVID-19.
Bunsod nito, 1,408 na ang total recoveries ng COVID-19 pandemic sa Pilipinas.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.