Pag-alis bilang requirement ang pagbabayad ng PhilHealth contributions ng OFWs bago mag-abroad, dapat lang

Ikinagalak ni House Deputy Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang Philippine Overseas Employment Administration (POEA) at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) sa desisyon nito na alisin na bilang requirement ng overseas Filipino workers (OFWs) ang pagbabayad ng PhilHealth premiums bago mabigyan ng overseas employment certificate (OEC).

Ayon kay Herrera, nawala na ang pangamba ang mga OFW na hindi na sila maaring makaalis ng bansa dahil sa hindi bayad na PhilHealth contributions na tumaas pa ng tatlong porsyento ng kanilang buwanang sahod sa taong 2020.

Ang pasya ng POEA at OWWA ay kasunod ng galit ng mga OFW at kanilang mga kaanak sa PhilHealth circular na inilabas noong nakalipas na buwan.

Hindi na aniya nakagugulat na umani ng batikos ang PhilHealth sapagkat inilabas ang kautusan habang nasa gitna ng COVID-19 pandemic ang bansa na lahat ay apektado.

“The PhilHealth circular is the height of insensitivity to the plight of OFWs, who are struggling to make ends meet as the COVID-19 pandemic crisis swept around the world,” saad ni Herrera.

Kaugnay nito, nakatakdang maghain ng panukala ang mambabatas upang amyendahan ang Universal Health Care Act upang alisin ang mga voluntary-paying OFWs sa pagtaas ng PhilHealth premium.

Ito, ayon kay Herrera, ay sapagkat malaki na naitutulong sa ekonomiya ng bansa ng mga OFW.

Read more...