Three-Gives Law para sa utility bills, inihain sa Senado
Inihain ni Senator Francis Tolentino ang Senate Bill No. 1473 o ang Three-Gives Law.
Nakasaad sa Three-Gives Law na hahatiin sa tatlong installment ang pagbabayad sa mga bills sa kuryente, tubig at telepono sa panahon ng kalamidad, emergencies tulad ngayong pinaiiral ang enhanced community quarantine (ECQ) dahil sa coronavirus disease o COVID-19.
Ayon kay Sen. Tolentino, naglalayon ang panukala na maibsan ang nararanasang paghihirap ng mga Filipino lalo na ang mga nawalan ng hanapbuhay na patuloy na lumalaban para malampasan ang araw-araw pagsubok dahil sa COVID-19.
“Malaki ang maitutulong nito sa mga kababayan natin na lubhang naapektuhan ng COVID-19, lalo na iyong mga nawalan ng hanapbuhay at pagkakakitaan,” ayon kay Tolentino.
Matatandaang kamakailan lamang ay ipinag-utos ng pamahalaan ang moratorium sa pagbabayad ng mga bill sa kuryente, tubig, telepono at iba pang bayarin dahil sa umiiral na ECQ sa Luzon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.