Kongreso hinimok magpasa ng resolusyon para tutulan ang pagbabalik-opersyon ng POGO
Hinikayat ng mga kinatawan ng Citizens’ Battle Against Corruption (CIBAC) Party List Party-List ang Mababang Kapulungan ng Kongreso na magpasa ng resolusyon bilang pagtutol sa desisyon ng PAGCOR at Inter-Agency Task Force na muling mag-operate ang POGO.
Ayon kina Deputy Speaker Bro. Eddie Villanueva at CIBAC Rep. Domeng Rivera, kung maglalabas ng resolusyon ang Kamara na nananawagan na huwag pahintulutan ang muling pagbubukas ng POGO, mangangahulugan ito ng nagkakaisang boses ng sambayanan sa pamamagitan ng mga kongresista.
Paliwanag ng mga ito, ipinagbawal sa quarantine period ang pagsusugal tulad ng POGO dahil hindi ito essential industries.
Bukod dito, mayroon ding bilyun-bilyong pisong utang ang mga ito sa buwis na hindi binabayaran sa pmahalaan.
Iginiit din ng mga nasabing mambabatas na hindi Bussines Process Outsourcing o BPO ang POGO gayundin ang karamihan sa mga empleyado nito ay hindi naman mga Filipino.
“All the recipes for the government to shut down these gambling businesses are already glaring before our eyes. They are gambling entities prohibited during the quarantine period, they are not “essential” industries, they owe the government hefty billions of unpaid taxes, they are not business process outsourcing (BPO) companies and majority of their employees are not Filipinos,” giit nina Villanueva at Rivera.
Dagdag ng mga ito, kung handang magbayad ng pagkakautang na buwis ang POGO bago sila payagang muling mag-operate, dapat ginawa nila ito noon pa hindi bilang kundisyon sa pagbabalik ng kanilang operasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.