Tatlo pang bagong kaso ng COVID-19, naitala sa Valenzuela City

Nadagdagan ang bilang ng kaso ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ayon sa City Epidemiology and Surveillance Unit (CESU) hanggang 1:00, Martes ng hapon (May 5), tatlo ang bagong tinamaan ng COVID-19 sa Valenzuela City.

Ang isang kaso ay 26-anyos na babae na overseas Filipino worker.

Ang ikalawang kaso naman ay 67-anyos na babae na mayroong comorbidity na pumanaw noong May 2 at ang ikatlong kaso ay 78-anyos na babae na nasawi noong May 3.

Dahil dito, sa huling tala, umakyat na sa 121 ang confirmed COVID-19 cases sa lungsod.

Read more...