Pamilya ng 18 empleyado ng Senado na nagpositibo sa COVID-19 sasailalim din saRapid Testing

Sasailalim din sa Rapid Test sa COVID-19 ang pamilya ng 18 empleyado ng senado na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Senator Panfilo Lacson nagsasagawa na ng contact tracing sa mga pamilya at nakahalubilo ng 18 empleyado ng senado na nagpositibo sa Rapid Testing na isinagawa araw ng Lunes (May 4).

Sagot na ng senado ang Rapid Test sa mga kaanak ng 18.

Ang mga nagpositibo namang emplayado ng senado ay dinala na sa mga ospital.

Sasailalim sila sa confirmatory test gamit ang PCR.

Samantala ayon kay Lacson paulit-ulit na siya at parang “sirang plaka” na sa pagsasabi sa Department of Health (DOH) na dapat paigtingin nito ang contact tracing at pagsasagawa ng mass testing.

Ito lang aniya ang tanging paraan para agad matukoy ang mga positibo at mai-isolate upang maiwasan na ang paglaganap ng sakit.

 

 

 

 

Read more...