2.2 percent inflation rate naitala noong buwan ng Abril
By Dona Dominguez-Cargullo May 05, 2020 - 09:41 AM
Mas bumagal pa ang pagtaas ng presyo at bilihin sa nagdaang buwan ng Abril.
Nakapagtala lamang ng 2.2 percent na inflation ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA).
Ito na ang pinakamababa sa nakalipas na 5 buwan.
Noong Marso ay nakapagtala ng 2.5 percent na inflation.
Mas mababa din ito kumpara sa 3 percent inflation rate na naitala noong April 2019.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.