DILG nakatanggap na ng 2,000 reklamo laban sa mga LGU na lumalabag sa ECQ protocols
Umabot na sa 2,000 ang reklamong natanggap ng Department of Interior and Local Government (DILG) laban sa mga local official na lumalabag sa ECQ protocols.
Ngayong nasa kasagsagan ng pamamahagi ng cash assistance sa ilalim ng Social Amelioration Program (SAP) sinabi ni DILG Undersecretary for Barangay Affairs Martin Diño na dumami ang reklamo.
Isa sa nagiging problema sa pamamahagi ng SAP ay ang pagkakaroon ng social distancing.
Sa ngayon, limang alkalde na at 100 barangay captains ang naisyuhan ng show cause orders ng DILG.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.