Giant cruise ship na Carnival Cruise Line magkakaroon ng limitadong operasyon sa Agosto

Magkakaroon na ng limitadong operasyon sa Agosto ang giant cruise ship na Carnival Cruise Line.

Ayon sa Carnival, walong barko nila ang magsisimula nang bumiyahe sa Florida Ports sa Miami at sa Port Canaveral at Galveston sa Texas.

August 1 ang target na paglalayag ng cruise line.

Ang operasyon ng Carnival Cruises sa lahat ng iba pang North American at Australian Cruises nito ay kanselado pa hanggang sa August 31.

Maraming crew ng Carnival Cruise Line ay pawang mga Pinoy.

 

 

 

 

 

Read more...