P61.2M na halaga ng shabu nakumpiska sa isang lalaki sa Taguig

Arestado ang isang lalaki matapos na mahulihan ng malaking halaga ng hinihinalang shabu sa Taguig.

Naaresto ang 26 anyos na suspek na si Gezel Oliveros sa Brgy. Ususan.

Nakuha sa kaniya ang P61.2 million na halaga ng hinihinalang shabu.

May nakuha din ang mga pulis na isang notebook na posibleng naglalaman ng mga nagdaang transaksyon ng suspek.

Ang mga transaksyon ay nangyari sa buwan ng Marso at Abril na kasagsagan ng pag-iral ng Enhanced Community Quarantine (ECQ).

Hindi naman na nagawang tumanggi ng suspek at idinahilan ang hirap ng buhay kaya nagawa niyang tanggapin ang trabaho sa pagdedeliver ng ilegal na droga.

 

 

 

Read more...