Bilang ng mga empleyado ng Senado na nagpositibo sa COVID-19 rapid testing nadagdagan pa
By Dona Dominguez-Cargullo May 05, 2020 - 07:23 AM
Nadagdagan pa ang bilang ng mga empleyado at staff ng Senado na nagpositibo sa isinagawang COVID-19 rapid testing.
Nagsagawa ng rapid testing sa mga empleyado ng Senado kahapon sa pagbabalik sesyon ng mga senador.
As of 7:19 ng gabi ay umabot na sa 18 empleyado at staff ang nagpositibo sa rapid test.
Ilan sa kanila ay pawang mula sa tanggapan nina Senators Sherwin Gatchalian, Richard Gordon, Joel Villanueva at Migz Zubiri.
Ang iba naman ay mula sa Office of the Sgt-At-Arms.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.