Easterlies umiiral sa malaking bahagi ng bansa; Northern at Central Luzon naman apektado ng Ridge of High Pressure Area

Dalawang weather system ang nakakaapekto sa bansa ngayong araw ng Martes, May 5.

Ayon sa 4AM weather update ng PAGASA, easterlies ang umiiral sa malaking bahagi ng bansa habang ang Northern at Central Luzon naman apektado ng Ridge of High Pressure Area (RPA).

Mainit at maalinsangang panahon na may posibilidad ng mga pag-ulan ang mararanasan sa Northern at Central Luzon kasama na ang Metro Manila dahil sa epekto ng Easterlies.

Maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan naman ang mararanasan sa Puerto Princesa dulot pa rin ng Easterlies.

Sa bahagi naman ng Visayas at Mindanao asahan din ang mainit at maalinsangang panahon at mga posibilidad ng thunderstorms sa hapon o gabi dulot pa rin ng Easterlies.

Samantala, hindi naman nakakaapekto ang intertropical convergen zone (ITCZ) sa anumang bahagi ng bansa dahil ito ay nasa may bungad ng equator.

Wala namang nakataas na gale warning sa mga baybaying dagat ng bansa kaya’t malayanh makapaglalayag ang ating mga mangingisda at mga mayroong maliliit na sasakyang pandagat.

 

 

 

Read more...