Dagdag-bawas sa presyo ng produktong petrolyo, epektibo na

By Dona Dominguez-Cargullo May 05, 2020 - 05:25 AM

Epektibo na ngayong araw ng Martes, May 5 ang dagdag-bawas sa presyo ng mga produktong petrolyo.

May dagdag na 75 centavos sa presyo ng kada litro ng gasolina, habang may kaltas naman na 60 centavos sa kada litro ng kerosene at kaltas din na 10 centavos sa kada litro ng diesel.

Epektibo ang price adjustment alas 6:00 ng umaga ng mga kumpanyang Shell, Petron, Sea Oil, Flying V, Petro Gazz, Phoenix Petroleum, at PTT.

Ang Chevron ay mas nauna nang nagpatupad ng paggalaw sa presyo alas 12:01 ng madaling araw.

Habang alas 8:01 naman ng umaga ang price adjustment ng kumpanyang Cleanfuel.

 

 

TAGS: BUsiness, increase, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, price adjustment, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website, BUsiness, increase, Inquirer News, News in the Philippines, oil price, price adjustment, Radyo Inquirer, rollback, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.